Mga Sanhi ng Hypertension at Paano ito Maiiwasan

Mga Sanhi ng Hypertension at Paano ito Maiiwasan

Ang buwan ng Mayo ay idineklara ng Department of Health (DOH) na Hypertension Awareness Month. Layunin nito na makapagbigay ng dagdag kaalamanan tungkol sa sakit na ito ng makatulong ito sa mga taong may ganitong karamdaman at gustong makaiwas sa sakit na hypertension.

Mga Sanhi ng Hypertension

Ang pagkakaroon ng unhealthy lifestyle ay ang madalas na dahilan kung bakit ang isang tao ay nagkakaroon ng hypertension.  Ilan sa mga ito ay ang:

  • Malimit na pagkain ng gulay at prutas.
  • Kakulangan sa ehersisyo o actibong pamumuhay.
  • Madalas na pagkain na maalat
  • Mabigat na timbang o pagiging overweight.
  • Labis na alak at sigarilyo
Hypertension
Ang mga pagkain na mamantika at maalat, sabayan ng labis na paginom ng alak ay maaring mauwi sa mataas na blood pressure o hypertension. Photo Credit: Freepik

 

Bukod sa mga naunang sanhi, may mga bagay na hindi natin kayang kontrolin na nagiging dahilan din para tayo ay magkaroon ng hypertension. Ito ay ang:

  • Pagtanda – Ang pagtanda kapag sinabayan ng unhealthy lifestyle ay lalong nagdudulot ng high blood pressure.
  • Ethnic Origin – Ang mga lahi na African-Caribbean at South-East Asian ay higit na maaring magkaroon ng hypertension.
  • Family History.

May ibang mga tao na ang kanilang hypertension ay konektado sa iba nilang karamdaman kagaya ng mga problema sa kidney o bato.  Maaring bumalik sa normal ang blood pressure sa oras na maagapan ang kanilang sakit.

Mga Paraan para makaiwas sa Hypertension

Ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay ay nakakatulong upang makaiwas sa pagtaas ng blood pressure. Para naman sa mga taong kasalukuyang may hypertension, ang pagkakaroon ng healthy lifestyle ay nakakatulong upang hindi umasa sa mga gamot na maintenance o sa pagtaas ng dosage nito.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga paraan upang makaiwas sa mataas na blood pressure:

  • Ugaling kumain ng masustansyang pagkain gaya ng gulat at mga prutas na mababa sa asukal.
  • Regular na eherisyo upang lumakas ang katawan at mapababa ang timbang.
  • Pagbabawas o pagiwas sa mga pagkain na maalat.
  • Tuluyan pagtigil ng paninigarilyo at paginom ng alak.
Yoga
Ang yoga ay isa sa mga physical activities na maaring gawin upang mapababa ang blood pressure ng isang tao. Photo Credit: Freepik

Importante rin ang regular na pagbisita sa iyong doktor upang malaman ang tunay na estado ng iyong kalusugan.  Magandang gawain ang pagbabasa tungkol sa iyong kalusugan sa internet pero mas magiging mainam kung ito ay sasabayan ng opinion mula sa isang lisensyadong medical professional.

Mahalagang Paalala: Ang article na ito ay gabay lamang at hindi dapat gawing sanggunian o reference para makapag bigay ng official diagnose sa taong may karamdaman.  Iwasan ang mag self-diagnose. Ugaliin magpatingin sa doktor,

Close Menu